Kung minahal mo ako o mahal mo pa rin ako…
basahin mo ito.
Kung ikaw ay nabibilang sa mga sumusunod na kategorya:
1. Isa ka sa mga nabaligtad ang pananaw sa buhay dahil sa pangaral ng tatlong utos.
2. Isa ka sa mga natutong magmahal o magpakabitter dahil sa mga dula kong nabasa mo.
3. Isa ka sa mga kamag-anak kong concerned sa pagiging starving artist ko.
4. Isa ka sa mga nag-aabang ng mga bago kong susulatin pero medyo naaatat na dahil wala pa akong nasusulat lately (kaya kailangan mong basahin ito hanggang dulo).
5. Isa ka sa mga inaanak kong pinagkakautangan na ng malaki at masyado ka nang matanda para bigyan ko ng barbie o g.i. joe (o mas malaki pa ang sweldo mo sa’kin ngayon)
6. Isa kang kamag-anak na mayaman at naniniwala sa potensiyal nitong prodigy ninyong kamag-anak na nagugutom
7. Isa kang kabarkada o college friend na mataas na ang posisyon sa lipunan at pinakopya kita nung college kaya ka nakarating kung nasaan ka ngayon
8. Isa kang katropang tinulungan sa love life kaya panalo ang syota mo habang ako’y malamig ang pasko.
9. Isa kang dati kong estudyante na maraming napulot sa akin sa klase man o sa labas na higit pa sa binayad mong tuition
10. Isa kang patron of the art at big fan ko.
Kung isa ka sa mga nakalista sa itaas, nasa ibaba ang listahan ng mga pwede mong iregalo sa akin ngayong pasko.
LIBRO/COMICS:
1. “A Song of Ice and Fire” (buong set) by George R. R. Martin.
2. “Steve Jobs” by Walter Isaacson
3. “Trese” Volumes 1-4 by Tan and Baldisimo
4. “Mga Panibagong Kulam” by Tony Perez
5. “Mga Panibagong Ritwal ng Wicca” by Tony Perez
6. “Mga Panibagong Kulam sa Pag-ibig” by Tony Perez
7. “Pagsubok sa Ilang: Ang Ikaapat na Mukha ni Satanas” by Tony Perez
8. “Laughable Loves” by Milan Kundera
9. “Amadeus” by Peter Shaffer
10. “Hunger Games” by Suzanne Collins
GADGETS/GEAR/EQUIPMENT
1. iPad 2
2. or iPod Touch
3. Macbook pro or iMac
4. Slider
5. 5mm cannon lens or carl seiz and an adaptor
6. Magandang Camera Bag.
MISC
1. Girlfriend.
O, alam nyo na. Pagkakataon nyo nang bumawi sa lahat ng napala ninyo sa akin. :P
Maligayang Pasko.