The Best of my 2011
Nainspire ako ng ginagawa ni Kateh every year. Oo nga naman, pag nilista ko ang mga landmarks ng aking taon, mas madaling magpasalamat, mas madaling maaninag ang dapat puntahan. Kaya heto ang top 10 ng aking 2011, habang hinihintay ko ang pagdating ng 2012.
1. “Ikaw ang Pag-ibig.” Higit sa dalawang taon ng paggawa, ang huling obra ng aking maestrang si Marilou Diaz-Abaya ay natapos sa pagsisimula ng 2011. Ipinagmamalaki kong naging bahagi ako ng pelikulang ito. Bagamat dahil sa proyektong ito, nagretire na ako sa pagiging Assistant Director, hindi ko malilimutan ang lahat ng natutunan ko sa lahat ng nakatrabaho, lahat ng tumulong, lahat ng kumontra, lahat ng sumuporta, at higit sa lahat, sa pagpapaubaya at pagtitiwalang binigay sa akin ng aking maestra.
2. Ang Pagbabalik ni Mang Serapio. Hindi na kami nagsawa. Pangatlong rerun na ata ito. Bagamat wala na ang squatters’ area na entrance, naroon pa rin ang angas, ang lupit, ang dugo, ang pawis at baho ng dula. Ang pinakamagandang dulang ipinalabas sa UA&P ayon sa maraming respetadong guro sa UA&P, tunay na malupit na alaala ang Paglilitis kay Mang Serapio.
3. Dae X Machina. Dahil nagshoot kami ng teaser-trailer ng Serapio, narealize namin ni Dae na kaya palang magsulat, magshoot, mag-edit, mag-score, at magpost sa youtube ng maikling pelikula all in one night. Simula noon, gumawa na kami ng sangkatutak na maiikling kalokohan na pelikulang sabog at walang katuturan. Mapapanood sila sa youtube, hanapin lang ang channel na daexmachina. Ito rin ang naging simula ng aking mas seryosong kolaborasyon kasama si Dae.
4. Jose Rizal at iba pang Indie Films. Dahil sa ahente kong si Jourdan, natambakan ako ng mga kailangang sulatin (although hindi pa rin ako nababayaran sa lahat). Ilan dito ay ang “Jose Rizal: The First Hero”, na malupit ang kinalabasan ng trailer, “Alamat ng Kamao” na sinulat ko sa loob lang ng 24 hours, “Train Ride” na koleksiyon ng maiikling pelikulang nagtatagpo-tagpo sa tren na binubuo ko para kay Epy Quizon, at ang naunsyaming “Pangayaw.” Ngayong taon rin una akong nagco-produce ng short film ni Greg na “Mami” na maganda ang pagtanggap ng mga manonood at kritiko. Masayang-masaya ako sa pagkakaedit ko dito ng pelikula ni Greg. Isa pa sa mga inedit ko ay ang cute na “First Kiss” ng kumare kong si Cia.
5. Overmind. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ko lang naisip magtayo ng kumpanyang kumikita. Ang overmind ang palatandaan na itinatakwil ko na ang aking pagiging starving artist at ang pagyakap ko sa nais kong maging prosperous artist. Kailangang kumita para masuportahan ang art kaya kasama si Dae, JJ, Greg at Jonathan (okay pati si Ian pero nasa iloilo kasi siya noon nung formally naming tinayo), tinayo ko ang Overmind, isang creative consulting company na walang ibang ginagawa kundi ikwento ang kwento ng cliente sa kanyang audience. So far okay naman. Dalawang cliente pa lang pero malaki at maraming proyekto. Sana tuluy-tuloy na ito.
6. Makbet. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at naisip kong talunin ang pagsasalin ni Rolando Tinio ng Makbet. Kaya ngayon, malapit na akong matapos sa aking bagong pagsasalin ng makbet na may tugma at sukat. Ipalalabas ng dulaang Roc ngayong enero. Dito, marami rin akong nakilalang bagong mga kaibigan at natuklasang bagong mga talento. Ang saya-saya. Sana matapos ko na ang script. Pakshet malapit na ang shows.
7. Maria. Ang pagsilang ng soon-to-be na inaanako ko, si Maria, anak ni Cia at Ferdie. Sa lahat ng stress ko ngayong 2011, iba lang ang pakiramdam tuwing karga-karga ko ang batang ito. Para bang hiyang na hiyang ang aking mga braso sa pagbubuhat ng sanggol. Ang pinakamemorable moment ko with Maria: noong dumalaw ako sa ospital at bagong silang pa lang siya, kinarga ko siya. Biglang ginalaw niya ang ulo niya at labi patungo sa aking dibdib na parang naghahanap ng suso. Nang wala siyang maisubong suso para sa gatas, bigla siyang umiyak, at nagpanic ako. “Gatas daw! Sorry, maria, wala ako nu’n.”
8. Fast-Breakfast Club. Ngayong taon din, sa wakas, naisipan at tinuluyan na rin namin ang pag-eexercise. Tuwing 630am ng linggo, nagpipilit kaming magbasketbol at magbanat ng konting buto. So far, so good. Regular na ang aming pagtutunggali sa court na sinusundan ng masarap at masaganang brunch…kaya balewala ang carbs na sinunog.
9. Virgin Labfest at Writers’ Bloc. Hindi man ako nanalo sa Palanca ngayong taon, nakapasok naman ang dula ko sa VLF 7 na sa tingin ko’y mas makabuluhan dahil nagkaroon ako ng pagkakataong magsadula ng sarili kong gawa sa entablado ng CCP! Hindi masyadong maganda ang review ng ilan sa internet, ang iba nama’y nalito, may iba namang sobrang nabigatan at may ilang nagandahan. Kung anuman ang naging reaksiyon, isang malaking bagay na mabinyagan sa CCP upang malait at makatay ng mga eksperto at mga manonood. Marami akong natutunan sa pagsusulat at pagdidirehe, at pag-intindi sa audience sa festival na ito. Dahil din sa Labfest, nakilala ko ang mga taga-writers’ Bloc. Ngayon, kasali na nila ako sa katayan ng mga dula. Balak kong samantalahin ang mga utak ng aking mga kasama dito para sa ikauunlad ng aking pagsusulat.
10. IUTA at Nick Lizaso. Ngayong taon ko rin nakilala ang batikang direktor na si Nick Lizaso at ang International University Theater Association. Ang matagal na naming pangarap ni Roni for ACASIA ay matagal na palang ginagawa ni Nick. Ngayon, nagtutulong kami para makagawa ng mga proyektong tinitibok talaga ng aming puso at kinakalam ng aming sikmura. Nito lang nakaraang buwan, lumipad kami ng Palawan para magbigay ng workshop. Eto ang trabaho. Work and pleasure, at the same time. Wagi!
Ano ang nakaabang sa akin ngayong 2012? Sabi sa isang feng shui book na nasilip ko kagabi sa bookstore, heto na. Heto na ang taon kung kelan dapat magsimula ng bagong relasyon. Totoo kaya? Tignan natin. Pero mukhang mas mataas pa ata ang posibilidad na manalo ako ng Palanca Hall of Fame in one night kaysa mainlove ako this year. Ayuz!
Happy New Year!
-
nadimnida liked this
-
untalkativeronnie liked this
-
flungers said:
isa kang tunay na malupit idol! kung babae ka lang, pinakasalan na kita.. lalab! mwah!
-
antheadidthat liked this
-
juanekis posted this